Biktima ng rape ng Panamanian sinisi pa
MANILA, Philippines - Binanatan kahapon ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang mga naninisi sa biktima ng rape ng isang Panamanian diplomat.
Ayon kay Sotto, maliwanag na nanatili pa rin sa mga Filipino ang colonial mentality kung saan mas kinakampihan pa ang mga taga-ibang bansa kaysa sa isang 19-anyos Pinay na biktima ng rape.
Sabi ni Sotto, hindi madali ang maghain ng kaso sa korte pero lumalabas na may mga naninisi pa sa biktima ng Panamanian diplomat na nakalabas na ng bansa.
“Colonial mentality is still with us. We believe a foreigner more than we believe a Filipina who made a sworn statement that she was raped and went through the hassle of filing a case in court,” sabi ni Sotto.
Ipinunto ni Sotto na kung hindi totoo ang kasong rape na isinampa ng Filipina, hindi tatakas palabas ng bansa ang Panamanian diplomat.
Nilasing umano ng suspek ang biktima at pinag-take pa ng marijuana bago isinagawa ang panggagahasa.
“Why did he get the Filipina drunk and smoke marijuana before the criminal act was committed? Does it mean that when Filipinas kiss, they are soliciting to be raped? Why did not the diplomat escort the Filipina to get a cab after the incident?” sabi ni Sotto.
Ikinalungkot ni Sotto na ang buong sistema ng gobyerno, maging ang Department of Foreign Affairs at Department of Justice ay kumilos laban sa biktima kahit hindi pa naririnig ang panig nito.
Ang CCTV umano na nagpapakita na hinahalikan ng Pinay ang akusado ay hindi ebidensiya na walang nangyaring rape sa loob ng kuwarto.
- Latest
- Trending