Pagpapauwi sa OFW na nakuryente minamadali na -- VP Binay
MANILA, Philippines - Inihayag ni Vice President Jejomar Binay na minamadali na ang pagpapauwi sa OFW na nakuryente at na-comatose sa Saudia Arabia noong 2010.
“I am pleased to announce that our ka babayan, Mr. Alfredo Salmos, an OFW in Saudi Arabia who survived an accidental electrocution in 2010 which left him with severe injuries rendering him unable to work, is coming home in the next few weeks,” sabi ni Binay.
Ayon kay Binay, tumatayo ring Presidential Adviser on OFW Concerns, na naantala ang pagpapauwi kay Alfredo Salmos, 52, tubong Nueva Ecija, na tumagal ng dalawang taon dahil sa kawalan ng “final exit clearance” mula sa kanyang employer at police clearance na may kaugnayan sa isa pang kaso ng “car accident” may isang dekada na ang nakalipas.
Si Salmos ay na-comatose at naratay sa ospital sa Saudi ng ilang buwan matapos na makuryente at natigil sa trabaho dahil sa nasabing insidente.
Ayon kay Salmos, aksidenteng nadikit siya sa may 14,000 volts breaker nang tangkain nitong i-shut down o patayin.
Pinapurihan naman ni Binay si Consul General General Uriel Norman Garibay ng Philippine Consulate sa Jeddah dahil sa ginawang mga pamamaraan upang makaalis ang nasabing OFW sa Saudi.
- Latest
- Trending