Mag-utol na Reyes nasa Interpol watchlist na!

MANILA, Philippines - Inilagay na sa ‘red notice’ list ng International Police (Interpol) ang magkapatid na sina dating Palawan Governor Joel Reyes at Coron, Palawan Mayor Mario Reyes Jr., na kapwa suspect sa pagpatay sa environmentalist at mamamahayag na si Dr. Gerry Ortega.

Umaasa ang pamilya Ortega na mas mapapabilis na ang pag-aresto sa dalawang akusado.

Nauna nang naglabas ng warrant of arrest ang Puerto Princesa Regional Trial Court (RTC) laban sa magkapatid, na siyang ginamit na basehan upang mailagay ang mga ito sa red notice list.

Sa pamamagitan ng red notice, matitimbrehan ang mga awtoridad sa iba’t ibang panig ng mundo na wanted sa batas ang magkapatid na Reyes.

Agad namang nagpasalamat ang pamilya Reyes sa Interpol dahil sa pagtupad sa kanilang hiling na isailalim sa watchlist ang mga akusado. 

Show comments