^

Bansa

DFA ginisa sa 'rapist' na Panamanian

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Upang mabigyang ba­bala ang mga Filipina at hindi maging biktima ng panggagahasa, iginiit kahapon ni Senate Majo­rity Leader Vicente “Tito” Sotto III na ilabas ng Department of Foreign Affairs ang listahan ng mga di­plomat na hindi maaaring kasuhan kahit pa masangkot sa kasong rape.

Inusisa kahapon ni Sotto sa pagdinig ng Se­nate Committee on Fo­reign Affairs ang kinatawan ng DFA na si Undersecretary Rafael E. Seguis kung ilang mga diplomat sa bansa ang may diplomatic immunity na kahit pa gumawa ng kasalanan sa loob ng Pilipinas ay hindi maaaring sampahan ng kaso.

Matatandaan na isang 19-anyos na Filipina ang nagsampa ng kasong rape laban kay Erick Schks ng Embassy of Panama pero nabalewala lamang ito matapos makawala ang suspek at makatakas palabas ng bansa.

Ayon kay Sotto, dapat malaman kung ilan ang mga diplomat na hindi maaaring kasuhan dahil sa kanilang diplomatic immunity.

“Ilan silang puwedeng mang-rape sa mga babae natin dito? Give me a list!” sabi ni Sotto.

Hindi naman ma­ka­pagbigay ng detalye si Seguis at itinuro nito ang Office of the Protocol ng DFA.

Ina­­­lam naman ni Sen. Loren Legarda kung magkano ang halaga ng negosyo ng Panama sa Pili­pinas.

Ayon kay Assistant Secretary Patricia Paez ng Office of American Affairs, umaabot sa 66,000 ang mga Filipino seafa­rers na nagta-trabaho sa mga Panamanian registered vessels.

Mayroon din umanong $73 milyong negosyo ang bansang Panama sa ating bansa.

ASSISTANT SECRETARY PATRICIA PAEZ

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBASSY OF PANAMA

ERICK SCHKS

FILIPINA

LEADER VICENTE

LOREN LEGARDA

SHY

SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with