MANILA, Philippines - Nakatakda nang umuwi sa bansa ang overseas Filipino worker (OFW) na nakuryente noong 2010 sa Saudi Arabia.
Si Alfredo Salmos, 52, tubong Nueva Ecija ay inaasahang darating na sa susunod na linggo mula Jeddah matapos na maantala ang pag-uwi sa bansa dahil sa kakulangan ng exit clearance mula sa kanyang amo.
Si Salmos ay na-comatose at naratay sa ospital sa Saudi ng ilang buwan matapos na makuryente at natigil sa trabaho dahil sa nasabing insidente. Nag-iwan ng mga peklat at iniinda pa rin nito ang kanyang mga tinamong sugat sa katawan.
Ayon kay Salmos, aksidenteng nadikit siya sa may 14,000 volts breaker nang tangkain nitong i-shut down o patayin.