^

Bansa

Teachers larga na sa K+12

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Higit dalawang linggo bago ang pasukan, nasa kasagsagan ngayon ng pagsasanay ang Department of Education (DepEd) para sa mga trainors na magtuturo sa mga guro sa nilalaman ng K+12 curriculum sa Grade 1 at Grade 7 (first year high school) na uumpisahan nang ipatupad ngayong school year 2012-13.

Aabot sa 1,545 Grade 7 trainers at 1,478 elementary trainers ang isinasailalim sa pagsasanay ng DepEd sa bagong mga nilalaman ng aralin sa Filipino, English, Mathematics, Science, Health, Music, Arts and Physical Education at Araling Panlipunan. 

Kasabay nito, inihahanda na rin ng DepEd ang nasa 73,655 Grade 1 teachers at 70,227 Grade 7 teachers sa mga pampublikong paaralan na inisyal na magtuturo ng K to 12 curriculum. 

Inumpisahan ang pagsasanay nitong Mayo 7 hanggang Hunyo 1.

Inatasan naman ng DepEd Central Office ang kanilang mga regional directors na tanggapin ang mga guro buhat sa mga pribadong paaralan na nagpahayag ng intensyon na magpartisipa sa pagsasanay sa natu­rang programa.

AABOT

ARALING PANLIPUNAN

ARTS AND PHYSICAL EDUCATION

CENTRAL OFFICE

DEPARTMENT OF EDUCATION

HIGIT

HUNYO

INATASAN

INUMPISAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with