Alyansa sa pagbabago sa Pasay inilunsad

MANILA, Philippines - Inilunsad kahapon ng iba’t ibang sectoral groups ang isang alyansa na nakatutok para sa pagbabago sa lungsod ng Pasay sa darating na taong 2013.

Sa isang covenant sa himpilan ng People’s Movement Against Poverty (PMAP) sa Pasay City, pinangunahan ng negosyanteng si Jorge del Rosario ang programang “Just Do It Right for Pasay” kasama sina PMAP president Ronald Lumbao, Kabataan Kontra Korap­syon secretary-general Nolan Tiongco, Partido Mangagawa convenor Wilson Fortaleza.

Kasama rin dito ang grupo ng mga kapatid na Muslim sa ilalim ng National Federation of Police Accredited Muslim for Change and Reform (Melchora) sa pangunguna ni Marivic Paguntalan at Confederation of Tricycle Operators Drivers Association of the Philippines (Contodap).

Isinusulong ng natu­rang mga grupo ang ma­payapang halalan sa 2013 at ganap na pagbabago sa lungsod partikular sa ekonomiya, serbisyo publiko, kaayusan at seguridad.

Show comments