^

Bansa

MPIC, Ayala mangunguna sa public services delivery

-

MANILA, Philippines - Suportado ni Transportation Secretary Mar Roxas ang bagong alyansa ng kumpanya ni businessman Manny Pangilinan na Metro Pacific Investment Corp. at Ayala Corp. para sa pagpapagawa sa extension ng 20.7-km LRT Line 1 system, na tumatakbo mula Roosevelt Ave sa Quezon City hanggang Baclaran, Parañaque, na durugtu­ngan ng 11.7 km southwards patungong Bacoor, Cavite.

Ayon kay Roxas, nakakabilib na ang dalawang major companies tulad ng Ayala Corp at MPIC ay kinalimutan ang kanilang competitive differences at nag-commit para tulungan ang gobyerno ng Pilipinas para itaas pa ang bar of service para sa Metro Manila commuters.

Ipinapakita lamang nito na ang dalawang kumpan­ya ay seryoso at pursigido sa pag-develop ng light railway transit (LRT) projects, paliwanag ni Roxas.

Nagiging maingat naman si Roxas at ang gobyerno sa kanilang approach. Nais nilang maihiwalay ang mga charlatans at carpetbaggers na nais lamang magkamal ng pera at handang magbigay ng ‘tongpats’ taliwas sa mga seryosong players na nais talagang mag-invest sa bansa.

Dahil sa mga positive delopments na ito, ang priba­dong sektor kabilang ang mga dayuhang investors ay handa na ring maglaan ng malaking pondo para mamuhunan sa mga mahahalagang imprastraktura.

AYALA CORP

AYON

BACLARAN

MANNY PANGILINAN

METRO MANILA

METRO PACIFIC INVESTMENT CORP

QUEZON CITY

ROOSEVELT AVE

ROXAS

TRANSPORTATION SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with