US submarine bumisita sa Subic Bay
MANILA, Philippines - Bumisita sa Subic Bay, Zambales ang Virginia Class fast attack submarine ng USS North Carolina (SSN 777) ng Estados Unidos bilang bahagi ng deployment sa Western Pacific.
Ayon kay Lt. Lara Bollinger ng US Submarine Group 7 Public Affairs, nitong Lunes dumating sa Subic Bay ang US submarine na may 133 crew para magsagawa ng serye ng misyon showcasing sa kapabilidad ng nasabing submarine force.
Ang USS North Carolina ay ikaapat na submarine na Virginia Class, ang pinakabagong submarine ng US na idinisenyo sa para sa ‘cold-war enviroment’.
Sumusukat ng 350 talampakan ang USS North Carolina at tumitimbang ng 7,800 tonelada na may kapabilidad sa anti-submarine warfare, anti-surface ship warfare, strike, naval special warfare na kinabibilangan ng special operations forces, intelligence, mine warfare, surveillance at reconnaissance.
Ang USS North Carolina ay nakabase sa Pearl Harbor at na-commission naman noong 2008.
Sinabi naman ni Navy spokesman Lt. Col. Omar Tonsay na walang kinalaman sa sigalot ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal ang pagbisita ng USS Carolina sa Subic Bay.
“It’s part of the freedom of navigation,” ayon sa opisyal.
- Latest
- Trending