^

Bansa

'Chinese languages' ituturo sa mga estudyante

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Palalakasin ng Department of Education (DepEd) ang pagtuturo ng dayuhang lengguwahe sa mga pampublikong paaralan kung saan isasama na sa kurikulum ang “Chinese languages”.

Muling magsasagawa ang DepEd ng Special Program in Foreign Languange (SPFL) 2012 Summer Training Courses for Teachers upang mapataas ang kaalaman ng mga guro sa pagtuturo ng mga dayuhang wika.

Unang inilunsad ang SPFL noong 2009-2010 sa mga piling high schools kung saan unang itinuro ang mga wikang Spanish, French at Japanese. Nang sumunod na taon, idinagdag naman ang German at ngayong taon ay ang Chinese language.

“This is also in line with the thrust of K to 12 which is to prepare our future workforce for the global arena,” ayon kay Education Secretary Br. Armin A. Luistro.

Layunin ng SPFL na ma-debelop ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikinig, pagbabasa, at pagsusulat ng mga dayuhang lengguwahe katuwang ang Japan Foundation, Goethe Institute, Alliance Francais Manila at Cebu at The Cunfucius Institute of the Angeles University Foundation para sa pagsasanay sa mga guro.  

ALLIANCE FRANCAIS MANILA

ARMIN A

CUNFUCIUS INSTITUTE OF THE ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY BR

FOREIGN LANGUANGE

GOETHE INSTITUTE

JAPAN FOUNDATION

SPECIAL PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with