Diplomatic relations ng PHL at China matatag
MANILA, Philippines - Sa kabila ng nagaganap na iringan sa pagitan ng China at Pilipinas sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal sa West Philippine Sea, inihayag kahapon ng pamahalaang China na nananatiling matatag ang diplomatic relations nito sa bansa.
Inihayag ng Ministry of Foreign Affairs ng China na may isang libo silang rason upang mapanatili ang magandang relasyon at malalim na pakikipagkaibigan sa Pilipinas.
Naniniwala ang China na magkakaroon ng “win-win cooperation” upang maresolba na ang standoff sa Panatag Shoal.
- Latest
- Trending