^

Bansa

Travel agencies bawal nang magproseso ng pasaporte

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinalagan ng isang asosasyon ng mga travel agencies ang inilabas na memorandum ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagbabawal na magproseso sila ng pasaporte na papatay umano sa kanilang industriya.

Sa 777 Media Forum kahapon sa Pa­say City, pinababasura ni National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) chairman Bobby Joseph ang memorandum na inilabas ni DFA Regional Consular Office-Cebu officer-in-charge Elias Balawag na nagsasaad na hanggang Hunyo 30, 2012 na lamang maaa­ring makapagsumite ng passport applications ang mga travel agencies.

Ikinatwiran nito na ito’y upang mabura ang nakarating umano sa kanila ang hinala ng publiko na mas pinapaboran ng DFA na agad na maproseso ang mga passport application buhat sa mga travel agencies kaysa sa mga “walk-ins”. Idinagdag pa na ito’y para mabawasan rin ang gastusin ng mga aplikante na sinisingil ng mga travel agencies.

Sinabi ni Joseph na hindi makatwiran ang naturang memorandum dahil walang naganap na “public consultation” bago ipalabas at tiyak na papatayin nito ang industriya na may 50 taon nang nasa bansa. 

Iginiit nito na pili lamang ang mga kliyente ng mga travel agencies na kayang magbayad habang ikinatwiran na sadyang mabilis ang pagproseso ng kanilang aplikasyon dahil sa kumpleto na agad ang mga papeles at iba pang pangangaila­ngan na isinusumite.

AGENCIES

BOBBY JOSEPH

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELIAS BALAWAG

HUNYO

IDINAGDAG

MEDIA FORUM

NATIONAL ASSOCIATION OF INDEPENDENT TRAVEL AGENCIES

REGIONAL CONSULAR OFFICE-CEBU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with