^

Bansa

OFW namatay sa Phl Embassy

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Isang overseas Filipino worker (OFW) ang nasawi habang nasa pangangalaga ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, Saudi Arabia.

Kinilala ang OFW na si Alma Anastacio, tubong Nueva Ecija na sinasabing namatay noong Abril 17 dahil sa umano’y advance stage ng breast cancer na inilihim daw ng embahada.

Ayon sa report na tinanggap ni John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante Middle East, tumakas sa kanyang amo si Anastacio dahil sa matinding pagmamaltrato at labor malpractice noong 2009 hanggang sa siya ay ma­ging undocumented.

Umapela umano si Anastacio sa embahada habang nasa Bahay Kalinga na makauwi na sa Pilipinas at dito magpagamot subalit bigo ang mga embassy at labor officials na mapauwi ito sa kabila umano ng kanyang maselang kondisyon.

“The Phl embassy tried to conceal the OFW’s death from the knowledge of the Filipino communities and OFW group critical against it,” ani Monterona.

Iginiit ni Monterona na hindi ito ang kauna-unahang insidente na may namatay na OFW sa Bahay Kalinga.

Sa kanilang monito­ring, may tatlo pang nasawi simula noong 2008.

Ayon kay Monterona, dapat imbestigahan ang pagkasawi ni Anastacio kung may pagkukulang ang Embahada sa pag-aalaga sa kanya.

Nanawagan din ang Migrante-ME sa Phl Embassy at Overseas Workers Welfare Administration na bigyan ng burial at financial assistance ang pamilya ng nasabing Pinay. 

ALMA ANASTACIO

ANASTACIO

AYON

BAHAY KALINGA

EMBAHADA

JOHN LEONARD MONTERONA

MIGRANTE MIDDLE EAST

MONTERONA

NUEVA ECIJA

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with