CGMA dinala sa Makati Med

MANILA, Philippines - Dinala sa Makati Medical Center si dating Pa­ ngulo at Pampanga 2nd district Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para sumailalim sa medical check-up dahil sa hirap na paghinga at paninikip ng dibdib.

Nakalabas sa Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) si Arroyo makaraang pahintulutan ng Pasay City Regional Trial Court branch 112 ang kahilingan na makapagpa-medical check-up sa MMC. Alas-7:10 ng umaga kahapon nang tu­mulak ang convoy ng dating Pangulo kasama ang security detail buhat sa Philippine National Police at nakarating ng MMC makaraan ang 40 minuto.

Mas mahigpit na seguridad naman ang inilatag ng ospital makaraang postehan ng mga pulis ang bawat entrance at exit nito.

Show comments