MANILA, Philippines - Kinondena ng mga hog at chicken growers ang hindi nagpakilalang lider ng Alliance of Food Processors (AFP) sa pagdedepensa nito sa mga illegal meat importers.
Iginiit din ng mga hog raisers na ang illegal importation ng mga misdeclared meat ang siyang banta sa kabuhayan ng mga backyard farmers at agricultural workers bukod sa niloloko ng mga ito ang gobyerno sa hindi pagbabayad ng buwis.
“We are not against the legal importers of meat, what we are seeking is the prosecution of smugglers of meat and their protectors”, wika ni Agap Party-list Rep. Nicanor Briones.
Kinukwestiyon ni Rep. Briones ang 100 milyong kilo ng mga smuggled meat na nakapasok sa bansa na hindi naman ‘fit for human consumption’.
Banta rin umano sa food security ng bansa ang mga imported na karne dahil nagiging hostage tayo ng mga supplier nito.