MANILA, Philippines - Naghain ng isang panukalang batas ang isang kongresista para pagmultahin at ikalaboso ang mga kumpanya ng bus na naniningil sa mga pasa hero nito na gagamit ng banyo.
Ayon kay Rep. Maximo Dalog, kadalasan nakikita sa ilang bus terminal na nakapaskil sa mga pintuan o pader nila ang ganito “Ihi=P2, dumi=P5, ligo=P20,” na nagsasabing magbabayad ang sinumang gagamit dito.
Sabi ni Dalog, mali ito kaya nais niyang ipagbawal ang paniningil sa paggamit ng comfor rooms sa mga bus terminals, bus stops at rest area na hinihintuan ng mga pampublikong bus.
Sa House bill 6034 ni Dalog, kulong ng hanggang anim na buwan at multang P10,000 ang laabag.
Paliwanag ni Dalog, obligasyon ng mga bus companies ang libreng pagpapagamit ng comfort rooms sa mga pasahero bilang bahagi ng comfort at safety ng mga ito.