^

Bansa

Bayad sa CR gustong ibawal

Nina - Butch Quejada/Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Naghain ng isang pa­nukalang batas ang isang kongresista para pagmul­tahin at ikalaboso ang mga kumpanya ng bus na naniningil sa mga pasa­ hero nito na gagamit ng banyo.

Ayon kay Rep. Maximo Dalog, kadalasan nakikita sa ilang bus terminal na nakapaskil sa mga pintuan o pader nila ang ganito  “Ihi=P2, dumi=P5, ligo=P20,” na nagsasa­bing magbabayad ang sinumang gagamit dito.

Sabi ni Dalog, mali ito kaya nais niyang ipagbawal ang paniningil sa paggamit ng comfor rooms sa mga bus terminals, bus stops at rest area na hinihintuan ng mga pampublikong bus.

Sa House bill 6034 ni Dalog, kulong ng hanggang anim na buwan at multang P10,000 ang la­abag.

Paliwanag ni Dalog, obligasyon ng mga bus companies ang libreng pagpapagamit ng comfort rooms sa mga pasahero bilang bahagi ng comfort at safety ng mga ito.

AYON

BUS

DALOG

MAXIMO DALOG

NAGHAIN

PALIWANAG

SA HOUSE

SABI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with