^

Bansa

Ban sa importasyon ng bawang pinalagan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Magreresulta umano sa kakapusan ng suplay ng bawang at lalong pag­lobo ng presyo nito sa pamilihan ang inilabas na “temporary ban” ng Bureau of Plants Industry (BPI) sa importasyon ng bawang.

Sa pulong-balitaan sa Pasay City, sinabi ni ret. Commodore Ismael Appari, convenor ng Kilusan ng Mamimiling Pilipino Laban sa Kahirapan (Kampilan), pinalagan ng grupo ang memorandum ni BPI Director Clarito Barron ukol sa “temporary suspension on the issuance of SPS Import Clearance for garlic” ng walang konsultasyon at walang eksaktong petsang sakop.

Paglabag umano ito sa Republic Act 8178 (Agricultural Tariffication Act) na nagpawalang-bisa sa RA 1296 na unang nagbabawal sa importasyon ng bawang, patatas, sibuyas at ma­ging repolyo.

Maaari umanong pag-ugatan ito ng korapsyon dahil sa inaasahang pagdami  ng mga illegal importer o mga “smuggler” na magpapalusot ng bawang sa bansa sa ina­asahang pagkakaroon ng kakapusan ng suplay.

Kapag nagtuluy-tuloy ang pagbabawal sa importasyon, sinabi ni Appari na lalong tataas ang presyo ng bawang sa bansa dahil sa inaasahang “hoarding” ng mga “traders o middleman” na siyang bumibili ng mga aning produkto ng mga magsasaka. Maaari umanong iimbak ng mahabang panahon ng mga traders ang mga produkto at gawing unti-unti ang pagpapalabas nito sa pamilihan upang lalong lumobo ang presyo.

Sa ganitong senaryo, lalo umanong masasaktan ang mga magsasaka sa kawalan ng importasyon dahil sa lalong magsasamantala ang mga traders sa kanilang kalagayan. Habang kung may importasyon, mababalanse ng mga pumapasok na produkto ang presyo kaya mapipilitan ang mga traders na ilabas ang kanilang nakaimbak na produkto kaysa sa tuluyang mabulok.

AGRICULTURAL TARIFFICATION ACT

BUREAU OF PLANTS INDUSTRY

COMMODORE ISMAEL APPARI

DIRECTOR CLARITO BARRON

IMPORT CLEARANCE

MAAARI

MAMIMILING PILIPINO LABAN

PASAY CITY

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with