MANILA, Philippines - Sinabon ng mga kongresista ang mga opisyal ng Commission on Higher Education (CHED) matapos na payagan ng mga unibersidad at kolehiyo sa buong bansa na magkaroon ng mamahaling field trip.
Sa joint hearing ng committee on Higher at Basic Education na pinamumunuan ni Aurora Rep. Sonny Angara, umangal ang mga kongresista dahil kadalasan umano na sa mga mambabatas ang takbo ng mga magulang kapag walang pambayad sa mga field trips.
Partikular naman na kinukwestyon kung bakit isinama ng Ched sa mga requirements ang napakamahal na field trips na kadalasan umanong ginagawa sa Cebu, Singapore at mamahaling lugar.
Bukod pa umano dito ay pinapatawan din ang mga ito ng miscellaneous fees na mas mataas pa kumpara sa kinokolektang tuition fees ng mga eskuwelahan.