^

Bansa

'Tong' pinag-aawayan sa Customs

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Bagsak ang revenue collections sa Bureau of Customs dahil sa “tong collection” na pinag-aawayan ng mga tauhan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon.

Pinag-aawayan umano  kung sino ang kukubra sa ‘payola’ o ‘protection money’ mula sa mga ‘players’ sa Aduana, at dahil dito, hindi maabot ng ahensya ang tinatarget na revenue collection.

Batay sa mga impormanteng pamilyar sa isyu, mas naging “masahol” ang sitwasyon sa pantalan sapul ng itatag ni Biazon ang ‘Task Force on Revenue Enhancements for the Attainment of Revenue Collection Targets’ (TF React), sa bisa ng Customs Special Order (CSO) 17-2012, noong naraang Marso 27.

Inaasahan ni Biazon na malaki ang maitutulong ng TF React upang maabot ng BOC ang collection target nito ngayong taon matapos lumobo sa lampas P12 bilyon ang ‘deficit collection’ simula Enero hanggang sa kasalukuyan.

Bagaman itinalaga si Teodoro ‘Teddy’ Sagaral, isang beteranong customs intelligence officer bilang hepe ng TF React, ipinunto naman ng mga sources ang anila’y ‘parallel operation’ ng isang grupo ng mga hindi lehitimong empleyado at opisyal ng BOC o mga “hao shiaos” sa pangu­nguna ng isang ‘Mr. C.’

Ang grupo umano ni Mr. C ay walang sariling tanggapan sa bakuran ng BOC. Bagkus, makikita umano ang mga ito sa coffee shop ng isang 5-star hotel sa Maynila, kung kaya tinawag silang ‘Coffee Shop Group.’

Isa umanong ‘Alexis’ na “batang-sarado” ni Mr. C ang direktang nakiki­pag-usap sa mga brokers at negosyante na ang mga kargamento ay inalerto ng TF React.

Si Alexis din umano ang gumawa ng paraan na ma­bigyan ng ‘selective alert’ ang kargamento ng mga ‘customs players’ na regular umanong nag-aabot ng kanilang payola.

Idiniin naman ng mga ito ang kanilang paniwala na walang alam si Biazon sa nangyayaring sabwatan sa panig ng kanyang mga bugok na tauhan at ilang mga players sa Aduana.

Bunga ng umiiral na sitwasyon, patuloy na bigo ang TF React na mabawasan ang higit P12 bilyon collection deficit ng BOC habang araw-araw naman ang inaabot na batikos ni Biazon dahil sa patuloy na pagbaha sa mga pamilihan ng mga smuggled ng karne ng baboy at manok.

Nagpaabot na rin ng kanilang mga reklamo dahil sa patong-patong na gastos ang mga brokers at negosyante na ang mga kargamento ay inalerto ng TF React.

ATTAINMENT OF REVENUE COLLECTION TARGETS

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

COFFEE SHOP GROUP

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

CUSTOMS SPECIAL ORDER

LSQUO

MR. C

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with