MANILA, Philippines - Ilang dating mga opis yal ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa likod umano ng “demolition job” kay Commissioner Ruffy Biazon.
Sa nakarating na in telligence report sa tanggapan ni Biazon, nasagasaan daw ni Biazon ang illegal na negosyo ng mga ito na isa sa kinagagalit umano ng ilang dating opisyal ng BOC.
Napag-alaman na isinusulong ni Biazon ang pag-upgrade sa internet connection sa naturang tanggapan at ang mga isasagawang bidding dito sa lahat ng transaksiyon ay ilalagay sa tamang proseso at legalidad.
Ang kasalukuyang humahawak na kumpanya sa kontrata ng koneksiyon ng internet sa BOC ay ang E-Konek na mapapaso na ang kontrata ngayong 2012.
Ang E-Konek ay pag-aari umano ni Bert Lina, malapit na kaibigan ng mag-asawang Gloria at Mike Arroyo at nakakatandang kapatid ni dating DILG Secretary Joey Lina.
Samantala, mariing itinanggi ng Malacañang na tatanggalin bilang Customs Commissioner si Bia zon.