^

Bansa

Car plates sa LTO ubos na!

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Wala ng maibibigay na plaka ng sasakyan ang Land Transportation Office (LTO) sa alinmang sasakyan na irerehistro sa naturang ahensiya.

Ayon sa isang opisyal ng LTO na ayaw pabanggit ang pangalan, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa naia-award ng Department of Transportation and Communication (DOTC) sa nanalong bidder ang otorisasyon para makapag-produce ng mga car plates.

Napag-alaman na Ene ro 2012 ay naianunsiyo ng LTO ang bidding sa contractor pero dahil inako na lamang ni DOTC Secretary Mar Roxas ang panga ngasiwa sa bidding para rito ay naisagawa lamang ang bidding nitong Abril 2012 sa nag-iisang bidder para sa isang taong kontrata sa LTO ngayong 2012.

Ang JGB Enterprises na dating contractor ng LTO sa paggawa ng plaka ay noon pang December 2011 tinapos ang pagsusuplay ng plaka sa ahensiya at ngayon ay nagsara na.

“May mga naipagawa ang LTO na mga plaka  para sa first quarter ng 2012, pero hindi akalain ng agency na triple ngayong taon ang bilang ng registrations kaya ang mga nagrehistro ng sasakyan ngayon ay wala pang plaka” pahayag ng source.

Sinasabing magmula nang kalasan ng JGB Enterprises ang LTO sa pagsusuplay ng plaka sa ahensiya ay nagsasagawa na lamang ngayon ng emergency purchase ang ahensiya pero ang mga order sa US noong Enero ngayong taon ay sa dara ting na buwan pa ng Hunyo ng taong ito darating.

“Mahal ang freight tapus na delay ang bidding tapus ang tagal ng proseso sa office ni Secretary Mar kaya hayun, hindi nila na anticipate ang bugso ng registrants kaya ngayon galit ang mga tao kase wala kaming maibigay na plaka,” dagdag ng source.

Sinasabing pagpasok pa lamang ng Enero 2011, padalawa dalawa na lamang ang plaka ng bawat regions ng LTO para sa mga behikulo na nairerehistro gayundin para sa mga motorsiklo.

Una rito, kinastigo ng mga motorista si LTO Chief Virgie Torres dahil alam naman niyang kukulangin ang suplay ng car plates dahil sa pagtatapos ng kontrata ng JGB Enterprises sa naturang ahensiya na naging abala umano sa paghahanda sa ika-100 taong anibersaryo ng LTO noong Abril.

ABRIL

CHIEF VIRGIE TORRES

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

ENERO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

PLAKA

SECRETARY MAR

SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with