^

Bansa

Ex. Sen. Salonga hinainan ng warrant of arrest

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hinainan ng warrant of arrest ng mga tauhan ng Pasig City Police si dating Senador Jovito Salonga kaugnay ng kasong estafa na isinampa sa kanya ng isang doktor na bumili ng condominium unit sa Tagaytay City.

Ang mandamyento de aresto ay inisyu ni Pasig RTC branch 125 Judge Danilo Buemio laban kay Salonga kaugnay ng kasong isinampa ng isang Dr. Restituto Buenviaje.

Nabatid na bumili ng condominium unit si Buenviaje sa real state project nina Salonga at ng isang Ferdinand Banez noong 1997 ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatapos ang unit.

Ibinigay naman sa Pasig City Police ang paghahain ng naturang warrant kung saan tinungo ang bahay ni Salonga sa Acacia Street, Valle Verde Subdivision, Pasig City.  Hindi naman napilit na maisama ang dating Senador na may karamdaman ngunit ang anak na lamang nito na si Steve ang sumama sa mga pulis.

Hiniling ni Steve sa Pasig RTC na huwag nang isama ang kanyang ama dahil sa halos hindi na kayang tumayo sa karamdaman na Alzheimer’s disease, dementia at edad na 92-taong gulang.  

vuukle comment

ACACIA STREET

DR. RESTITUTO BUENVIAJE

FERDINAND BANEZ

JUDGE DANILO BUEMIO

PASIG

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

SALONGA

SENADOR JOVITO SALONGA

TAGAYTAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with