Libreng tule iikot sa Caloocan
MANILA, Philippines - Inaanyayahan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mga residenteng kabataang lalaki na sumali sa gaganaping “Libreng Tule” na iikot sa mga barangay na nasasakupan ng lungsod.
Ayon kay Echiverri, nagsimulang umikot ang mga tauhan ng city health department noong May 4 at May 5 kung saan ay nagsagawa ng libreng tule.
Sunod na pupuntahan ng grupo sa Biyernes (May 11) ang Bagong Barrio Central; Tala, Bgy. 186; Bgy. 178 A and B at Bgy. 14 habang sa May 18 ay magtutungo ang mga ito sa Baesa; Llano; Amparo at Bgy. 18.
Sa May 25 ay dadayo ang apat na team sa Sta. Quiteria; Camarin, Bgy. 174; Pangarap at Ana habang sa June 1 ay magtutule naman ang apat na team sa Talipapa; Camarin, Bgy. 175; Malaria at Marulas.
Kinakailangan lamang magpalista ang mga residenteng kabataang lalaki na gustong makapagpatule ng libre sa kanilang mga barangay habang ang hindi naman makapagpapatala ay kinakailangang pumila para sa libreng tule na gaganapin sa kanilang lugar.
Ang pag-ikot ng libreng tule ay dahil na rin sa kahilingan ng mga magulang ng mga residenteng kabataang lalaki na magtungo sa bawat barangay upang maipatule ang kanilang mga anak nang hindi na kinakailangan pang gumastos.
- Latest
- Trending