^

Bansa

Senado balik sesyon bukas

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Pagkatapos ng anim na linggong recess, balik ses­yon na bukas ang plenaryo ng Senado at simula na rin ang impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, muling magbabalik ang impeachment trial ni Corona sa Lunes samantalang sa Martes naman ang plenary sessions.

Tiniyak ni Enrile na kahit pa muling magbalik ang trial ni Corona, hindi isasantabi ng mga senador ang kanilang totoong trabaho bilang mga mambabatas.

Positibo rin si Enrile na maipapasa ng Senado ang mga priority bills bago ang nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III sa Hulyo.

Kabilang sa mga prayoridad na panukalang batas ng Senado ang Senate Bill No. 3009 na naglalayong amiyendahan ang Anti-Money Laundering Act (AMLA), SBN 3098 o ang Competition Act at SBN 2865 o Reproductive Health Bil.

Inaasahan ding tatalakayin ng Senado ang panukalang “Terrorist Financing Suppression Act”.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Senate Executive Director for Legislation Renato Bantug Jr. na umaasa silang maipapasa ang panukalang pag-amiyenda sa AMLA at Terrorist Financing Suppression Act bago mag-adjourn ang sesyon sa Hunyo 8.

ANTI-MONEY LAUNDERING ACT

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

COMPETITION ACT

ENRILE

LEGISLATION RENATO BANTUG JR.

PANGULONG BENIGNO AQUINO

REPRODUCTIVE HEALTH BIL

SENADO

SENATE BILL NO

TERRORIST FINANCING SUPPRESSION ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with