Biazon gigisahin ng Kamara sa smuggling ng karne, manok

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan na rin sa Kamara si Customs Commissioner Ruffy Biazon dahil sa umano’y kawalan nito ng aksyon kaugnay sa smuggling ng karne ng baboy at manok sa bansa.

Ayon kay Agricultural sector Alliance of the Philippines (AGAP) party list Rep. Nicanor Briones, maghahain siya ng resolution para ipatawag at pagpaliwanagin si Biazon kaugnay sa isyu ng smuggling.

Kinukwestyon ng kongresista kung bakit hindi kumikilos ang tanggapan ni Biazon sa kabila ng paulit-ulit na pa­nga­ngalampag ng maliliit na mga negosyante ng baboy at manok.

Malinaw umano na inuupuan ni Biazon ang mga ipinadadala nilang reklamo partikular na ang mga listahan ng mga kumpanyang pinaghihinalaan nilang sangkot sa smuggling kaya tinata­yang umaabot sa 15-container na smuggled na karne ang nakakalusot araw-araw.

Dahil dito kayat nagbanta naman si Briones na kapag hindi pa rin tumugon si Biazon sa kanilang reklamo ay itutuloy pa rin ng United Broilers Association ang meat holiday sa mga susunod na araw.

Show comments