Dengue umaatake na kahit gabi

MANILA, Philippines – Umaatake na rin kahit sa gabi ang Aedes Aegypti mosquitoes o dengue mos­quitoes.

Ayon kay Dr. Barbara Lavinya Caoili, secretary ng Philippine Association of Entomo­logists (PAE), kung dati’y sa umaga at hapon kung umatake ang dengue, kahit sa gabi ay sumasa­lakay na ito. Wala na rin itong pinipiling panahon maging tag-init o tag-ulan.

Nito lamang 2011, aabot sa mahigit 110,000 ang naiulat na kaso ng dengue sa bansa at posible pa itong tumaas bunsod ng nararanasang climate change.

Dahil dito, mahalaga umanong maging mapa­ngalaga sa kalusugan ang mamamayan para ma­iwasan ang dengue. (Doris Borja/Ludy Bermudo)

Show comments