MANILA, Philippines - Naghahabol ng danyos na P2.1 milyon mula sa Tape Inc. ang asawa ng isa sa mga host ng Eat Bulaga na si Jose Manalo.
Sa kanyang sagot sa petition for preliminary injunction ng Tape, hinihingi ni Analyn Manalo na dapat bigyan siya ng P1 milyon para sa moral damages, P1 milyon para sa exemplary damages at P100,000 sa litigation cost at P3,500 na per diem sa bawat court appearance ng kanyang abogado.
Ito ay dahil sa dinaranas umano niyang mental anguish at pagkasira ng kanyang reputasyon dahil sa pagharang ng Tape sa kanya para makita o makalapit man lamang kay Jose.
Hiniling din ni Annalyn kay Judge Luis Zenon Maceren ng QC RTC branch 218 na ibasura ang petition for preliminary injunction ng Tape.
Anya, hindi niya maintindihan kung bakit nakikialam ang Tape sa problema nilang mag-asawa.
Kamakailan, ibinasura ng korte ang hiling na TRO ng Tape laban kay Annalyn upang maharang ang pagpunta nito sa lugar ng trabaho ni Jose.
Ilang ulit umanong sinundan ni Annalyn si Jose sa lugar ng pinagdarausan ng Eat Bulaga na Juan For All at nangyari umano ito noong Nobyembre 2011, January 7 at 23, 2012.