^

Bansa

P2.1M danyos hingi ng misis ni Jose sa producer ng Eat Bulaga

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Naghahabol ng danyos na P2.1 milyon mula sa Tape Inc. ang asawa ng isa sa mga host ng Eat Bulaga na si Jose Manalo.

Sa kanyang sagot sa petition for preliminary injunction ng Tape, hinihingi ni Analyn Manalo na dapat bigyan siya ng P1 milyon para sa moral damages, P1 milyon para sa exemplary damages at P100,000 sa litigation cost at P3,500 na per diem sa bawat court appearance ng kanyang abogado.

Ito ay dahil sa dinaranas umano niyang mental anguish at pagkasira ng kanyang reputasyon dahil sa pagharang ng Tape sa kanya para makita o makalapit man lamang kay Jose.

Hiniling din ni Annalyn kay Judge Luis Zenon Maceren ng QC RTC branch 218 na ibasura ang petition for preliminary injunction ng Tape.

Anya, hindi niya main­tindihan kung bakit nakikialam ang Tape sa problema nilang mag-asawa.

Kamakailan, ibinasura ng korte ang hiling na TRO ng Tape laban kay Annalyn upang maharang ang pagpunta nito sa lugar ng trabaho ni Jose.

Ilang ulit umanong sinundan ni Annalyn si Jose sa lugar ng pinagdarausan ng Eat Bulaga na Juan For All at nangyari umano ito noong Nobyembre 2011, January 7 at 23, 2012.

vuukle comment

ANALYN MANALO

ANNALYN

ANYA

EAT BULAGA

HINILING

ILANG

JOSE MANALO

JUAN FOR ALL

JUDGE LUIS ZENON MACEREN

TAPE INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with