Director ng BAI, NMIS sinibak
MANILA, Philippines - Ikinagalak ng mga backyard hog farmers at poultry raisers ang pagkakasibak sa director ng Bureau of Animal Industry (BAI) at executive director ng National Meat Inspection Service (NMIS).
Nagpasalamat si Rosendo So, chairman ng Abono partylist at director ng Swine Development Council kay Pangulong Noynoy Aquino at Agriculture Secretary Proseso Alcala dahil sa pagkatanggal sa pwesto kay Dr. Efren Nuestro, director ng BAI at Atty. Jane Bacayo, executive director ng NMIS.
Sina Nuestro at Bacayo ay inilagay sa floating status upang hindi umano makaimpluwensya sa isasagawang malawakang pagbalasa sa mga DA support personnel na umano’y sangkot sa sindikato na nag-i-smuggled ng frozen meat at chicken sa bansa.
Bukod kay So, nangako din ang mga industry leaders kabilang na ang National Federation of Hog Farmers Inc:(NFHFI), Pork Producers Federation of the Philippines (Pro-Pork), Livest Raisers Association of the Philippines (LRAP) na naka-base sa Bulacan at United Broilers Association of the Philippines (UBRA) sa pamumuno ni Joji San Diego na patly nilang lalabanan ang mga smugglers na pumapatay sa hog and poultry industry ng bansa.
Nanawagan naman si Agham partylist Rep. Angelo Palmones sa publiko na iboykot ang mga imported meat bilang pagsuporta sa sentimyento ng mga lokal na magbababoy.
- Latest
- Trending