^

Bansa

DOJ may bagong order sa drug cases

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Mistulang pumapabor sa mga sangkot sa kaso ng iligal na droga ang bagong panuntunan na ipinalabas ng Department of Justice (DOJ) na nagpapahintulot na maari nang agad na makalaya ang isang suspect na inirekomendang maibasura ng government prosecutors.

Taliwas ito sa dating ipinatutupad na proseso, kung saan ang isang naaresto na isinailalim sa inquest proceedings o suspect na sumailalim sa preliminary investigation kaugnay sa paglabag sa Republic Act 9165 ay hindi muna maaring palayain habang nakabinbin pa ang automatic review o pagrepaso ng DOJ, kahit pa may dismissal order ang prosecutors.

Sa Department Circular no. 12, na pirmado ni Justice Sec. Leila de Lima, nakasaad na ang lahat ng mga kaso na may kaugnayan sa iligal na droga sumailalim man o hindi sa inquest, preliminary investigation, reinvestigation, o appeal ay kailangang isalang sa automatic review.

Ani de Lima, ang pagbabago ng pamantayan sa mga kaso ng iligal na droga ay upang masolus­yunan ang mga nabibinbing pagpapalabas ng desisyon at mahabang pagkadetine ng mga suspects, sa layuning hindi naman nakokompromiso ang karapatang pantao

Noong nakalipas na taon nang maiatang sa DOJ ang full authority sa disposition ng drug-related cases alinsunod sa kautusan ng Office of the President.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE SEC

LEILA

MISTULANG

NOONG

OFFICE OF THE PRESIDENT

REPUBLIC ACT

SA DEPARTMENT CIRCULAR

TALIWAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with