MANILA, Philippines – Umiskor ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) matapos masakote ang 287 Most Wanted Persons (MWP) sa loob ng 3 buwang operasyon sa unang semestre (February-April) ng 2012.
Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Generoso Cerbo Jr., ang nasabing bilang ng mga wanted sa batas ay pawang naisyuhan ng warrant of arrest ng korte habang ang iba pa ay may nakalaang pabuya.
Sa database ng PNP, aabot sa 5,256 mga wanted sa batas ang target arestuhin ng lahat ng tracker teams mula sa Police Regional Offices at National Support Units.
Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad sa iba pang wanted sa batas.