^

Bansa

Pasay nanguna sa waste volume reduction

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Kinilala ng Metro Manila Development Authority ang pagpupursige ng 16 lungsod at isang munisipalidad sa Kalakhang Maynila dahil sa pagbawas ng dami ng basura sa kani-kanilang lokalidad bilang tugon sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act. 

Base sa datos ng aktuwal na dami ng basura na itinatapon ng LGUs nitong Disyembre 2011 mula sa Solid Waste Management Office (SWAMO) ng MMDA ay lumalabas na ang Pasay City ang nanguna bilang pinakamaraming nabawas sa koleksyon ng basura o katumbas ng 51 porsiyento. Pumangalawa ang Pasig City na may 29 percent pagbaba at sinundan ng Navotas, 10  percent.  

Ang iba pang LGUs ay nagtala rin ng pagbaba sa dami ng basura.   

Ang Valenzuela ang nakapagtala ng pinakamababang pagtaas o katumbas ng two percent pero nakakagulat ang Marikina na  dating  top performer noong 2010 pagdating sa garbage volume reduction  ay nakapagtala ng 73 percent increase noong  2011, pinakamataas sa Metro Manila.

Ang lungsod ng Parañaque at Las Piñas ay hindi  isinama dahil sa kawalan ng record ng  MMDA sa kanilang  disposal records.  

ANG VALENZUELA

ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT

KALAKHANG MAYNILA

LAS PI

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASAY CITY

PASIG CITY

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with