MANILA, Philippines - Isang janitress sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ang nagsoli ng may P500,000 halaga ng foreign currencies.
Pinatunayan ni Mary Jennifer Doroga, 32, taga- Baltao, Parañaque City na isa siyang tapat na tao kahit na malaking pera ang napulot nito, ayon sa mga opisyal ng airport.
Sabi ni Doroga napulot niya ang isang itim na pitaka habang nagwawalis siya ng sahig sa airport dakong ala-1:40 ng hapon.
Napag-alaman kay Lt. Edgar Ridad ng NAIA Intelligence and Investigation Division, napulot ni Doroga ang 50 Francs,1USD, 10 pounds, 2,000 lire, 5 at 1 Singaporean dollars, 1 at 5 Saudi Riyals, 10 unknown currency, 50,000 Romanian Lei, 2 pcs. ng 10,000 Brazilian money, 2 pcs ng 20 Dinara, 100 unknown money at iba pa.
“Kahit na demonetized iyon malaking bagay na rin kasi mga collectors item na ang mga pera na iyon,” sabi ng mga nakasaksi.