^

Bansa

Janitress nagsoli ng P.5M

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Isang janitress sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ang nagsoli ng may P500,000 halaga ng fo­reign currencies.

Pinatunayan ni Mary Jennifer Doroga, 32, taga- Baltao, Parañaque City na isa siyang tapat na tao kahit na malaking pera ang napulot nito, ayon sa mga opisyal ng airport.

Sabi ni Doroga napulot niya ang isang itim na pitaka habang nagwawalis siya ng sahig sa airport dakong ala-1:40 ng hapon.

Napag-alaman kay Lt. Edgar Ridad ng NAIA Intelligence and Investigation Division, napulot ni Doroga ang 50 Francs,1USD, 10 pounds, 2,000 lire, 5 at 1 Singaporean dollars, 1 at 5 Saudi Riyals, 10 unknown currency, 50,000 Romanian Lei, 2 pcs. ng 10,000 Brazilian money, 2 pcs ng 20 Dinara, 100 unknown money at iba pa.

“Kahit na demonetized iyon malaking bagay na rin kasi mga collectors item na ang mga pera na iyon,” sabi ng mga nakasaksi.

BALTAO

DINARA

DOROGA

EDGAR RIDAD

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

ISANG

KAHIT

MARY JENNIFER DOROGA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

ROMANIAN LEI

SAUDI RIYALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with