^

Bansa

PhilHealth contribution prepaid na

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Balak idaan sa sistema ng prepaid cards ang pagbabayad ng buwanang kontribusyon sa PhilHealth.

Ibinalita ni Philippine Health Insurance Corporation president and CEO Dr. Eduardo Banzon na layon ng PhilHealth na mabigyan ng mas madaling paraan para makabayad ng monthly contribution ang kanilang mga miyembro, lalo na ang kabilang sa informal sector.

“We realized na what is importante is not the amount (na binabayad ng miyembro) but the convenience (sa pagbabayad ng premium) and that is where we are focusing right now. We are going to make it so convinient for the informal sector to pay,” ani Banzon.

Nais kasing tugunan ng ahensya ang naunang hamon ni Pangulong Noynoy Aquino na mabigyan ng health coverage ang bawat Pilipino na kabilang sa maralitang bahagi ng populasyon at ng informal sector.

“So kung hindi ka ma­kabayad maging sa bangko, you just buy a prepaid card and connect to a telco (telecommunication wireless network para sa pagbabayad),” ayon sa opisyal.

Bagama’t hindi binanggit ng PhilHealth chief kung kailan ipatutupad ang ma­kabagong sistema ng pagbabayad ng kontribusyon gamit ang mga prepaid card, tiniyak naman niya na nakakasa na ito sa lalong madaling panahon.

Nagbabala rin si Banzon na kanilang tatanggalin sa kanilang listahan ang mga accredited bank na tatangging tumanggap ng bayad mula sa mga mi­yembro.

vuukle comment

BAGAMA

BALAK

BANZON

DR. EDUARDO BANZON

IBINALITA

NAGBABALA

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORPORATION

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with