MANILA, Philippines - Susuportahan umano ng partido ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Arroyo na Lakas-Kampi ang mga kandidato ng United Nationalists Alliance (UNA) na koalisyon nina Vice-President Jejomar Binay at dating Pangulong Joseph Estrada.
Ayon kay House Majority leader Danilo Suarez, ang pagtulong sa kandidatura ng mga mamanukin ng UNA sa eleksyon ay magiging goodwill gesture ng Lakas dahil sa pagsama sa senatorial slate ng ilang oposisyon.
Kabilang na rito si Zambales Rep. Mitos Magsaysay at dating Senador Migz Zubiri.
Nilinaw naman ni Suarez na wala namang negosasyon para sa pormal na pakikipag-alyansa ng Lakas sa UNA at hindi na umano kailangan ito para magkatulungan ang dalawang panig sa halalan.
Ipinagmamalaki naman ni Suarez na kaya pa ng Lakas na magdeliver ng hanggang P2 milyong boto sa susuportahan nilang kandidato.
Hindi rin umano dapat balewalain ang Lakas dahil sila pa rin ang ikalawa sa may pinakamaraming elected officials sa lokal na lebel sunod sa Liberal Party (LP) ni Pangulong Aquino.