Babae dapat sumailalim sa cervical cancer screening
MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang lahat ng mga kababaihan na sumailalim sa cervical cancer screening na ibinibigay ng libre sa ilang ospital.
Ayon sa DOH, hindi umano dapat na ipagwalang bahala ng mga babae ang pagsusuri kasabay ng paggunita sa Cervical Awareness Month.
Maaaring sumailalim sa pagsusuri ang mga kababaihan na nasa edad 25-49 years old sa may 58 DOH-retained hospitals sa buong bansa na isasagawa sa buong buwan ng Mayo.
Ang screenings ay tuwing Miyerkules sa Metro Manila, tuwing Biyernes naman sa Luzon, habang Martes naman sa Visayas at Huwebes sa Mindanao.
Ang tatlong government hospitals na kinabibilangan ng Jose Reyes Memorial Medical Center, Bicol Regional Training and Teaching Hospital at Cotabato Regional Hospital ay nakatakda namang tumanggap ng cryotherapy machines mula sa ilang pribadong sector para sa free cervical cancer screening program.
Sa data ng DOH, 12 kababaihan ang namamatay araw-araw sa sakit na cancer.
- Latest
- Trending