^

Bansa

ASEAN countries kakampi ng Pinas sa Scarborough!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Nakakuha ng mara­ming kakampi ang Pilipinas mula sa mga mi­yembro ng Association of East Asian Nations (ASEAN) dahil sa patuloy na pang­hihimasok ng China sa teritoryo ng Pi­lipinas sa Scar­borough o Panatag Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon kay Foreign Af­fairs Secretary Albert del Rosario, maraming bansa na miyembro ng ASEAN ang nagpahayag ng kanilang sentimiyemto hinggil sa nagaganap na stand-off sa pagitan ng Pilipinas at China sa Panatag Shoal o Baja de Masinloc sa Zambales.

Sinabi ni del Rosario na tinututukan na rin ng mga bansang ito ang nagaganap na girian sa Scarborough dahil sa pa­tuloy na probokasyon ng China matapos na may anim pang bagong bagong barkong pangisda ng China ang puma­sok bukod pa sa dalawang Chinese go­vernment vessels na nakahimpil sa Scarborough bagaman may nagaganap na standoff.

Sa isang pulong balitaan sa Department of Foreign Affairs, sinabi ni del Rosario na marami ng bansa ang naalarma sa ginagawang panghihimasok ng China.

Bukod sa ASEAN, nanawagan din si del Rosario sa iba pang mga bansa na tutukan ang sitwasyon sa Scarborough.

Nabatid na nakatakdang tumulak si del Rosario kasama si Defense Secretary Voltaire Gazmin sa Estados Unidos sa Sabado upang ma­kipagpulong sa kani-kanilang counterparts na sina US Secretary of State Hillary Clinton at Defense Secretary Leon Panetta.

Ito ay upang pala­kasin ang alyansa ng dalawang nabanggit na bansa para sa umiiral na Mutual Defense Treaty para sa kapabilidad ng militar ng bawat nabanggit na bansa pagdating sa conflict o kaguluhan.

Bukod dito, ngayong linggo ay pormal nang ihahain ng Pilipinas ang kahilingan sa China na dalhin sa International Tribunal on the Law of the Seas ang nasabing sigalot.

Kinontra ng China ang plano ng Pilipinas na paghingi ng tulong o suporta sa mga kaal­yadong mga bansa, at huwag uma­nong i-internationalize ang nagaganap na territorial dispute sa Scarbo­rough shoal.

ASSOCIATION OF EAST ASIAN NATIONS

BUKOD

CHINA

DEFENSE SECRETARY LEON PANETTA

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ESTADOS UNIDOS

PANATAG SHOAL

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with