^

Bansa

Advance voting sa senior citizens

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Upang hindi na mahi­rapan pa ang mga ma­tatanda sa pagpila tuwing araw ng eleksyon, isinusulong ng isang mambabatas ang advance voting para sa mga senior citizens sa local at national elections.

Sa House Bill 5963 ni Rep. Gabriel Luis Quisum­bing (6th District, Cebu) o mas kilala bilang “Early Voting­ for Senior Citizens Act of 2012,” makakaboto ang mga kwalipikadong senior citizens ng mas maaga sa tanggapan ng municipal o city election registrar kung saan sila nakarehistro isang araw bago ang eleksyon.

Ang hakbang ni Qui­­sumbing ay upang ma­iwa­san ang nangyari no­ong 2010 national elections kung saan kitang-kita sa mga naglabasang balita sa telebisyon na nag-aalisan na lamang ang mga senior citizens sa pila dahil na rin sa hindi na kaya ng mga ito na pumila ng mahaba upang makaboto lamang.

Nakasaad pa sa House bill 5963, na 30 araw bago ang eleksyon dapat nakatago na sa Comelec ang record ng senior citi­zens na rehistradong bo­tante.

CEBU

COMELEC

EARLY VOTING

GABRIEL LUIS QUISUM

NAKASAAD

SA HOUSE BILL

SENIOR CITIZENS ACT

SHY

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with