MANILA, Philippines - Pinatunayan ni Pangulong Aquino na hindi totoo ang “tsismis” na hiwalay na sila ng kanyang rumored girlfriend na si TV personality Grace Lee matapos magkasamang manood ng concert ni Brazilian singer Sergio Mendes kamakalawa ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum sa Quezon City.
Magkasamang dumating sa venue ng concert sina Pangulong Aquino at Lee na naupo sa lower box section ng Araneta Coliseum.
Nasa lower box section din sina Presidential sisters Balsy Cruz, Pinky Abellada at Viel Dee.
Naroroon din si DOTC Sec. Mar Roxas kasama ang kanyang maybahay na si Korina Sanchez.
Nanood din ng concert sina dating Pangulong Joseph Estrada at misis na si Dra. Loi Ejercito, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Gretchen Barretto at partner na si Tony Boy Cojuangco.
Si Sergio Mendes ang nagpasikat ng mga awiting “Never Gonna Let You Go,” “What Do We Mean To Each Other” at marami pang iba.