Tuition hike ng 222 kolehiyo inaprub
MANILA, Philippines - Pinayagan ng Commission on Higher Education (CHED) na magtaas ng tuition fee ang may 222 paaralan sa kolehiyo sa darating na pasukan.
Ayon kay Executive Director Julito Vitriolo, aprubado na ito ng CHED matapos makatugon ang mga eskuwelahan sa requirements.
Kabilang sa magsasagawa ng tuition fee hike ang 33 kolehiyo sa Metro Manila habang pinoproseso pa ang aplikasyon para sa pagtataas ng matrikula sa 33 kolehiyo sa National Capital Region.
Nilinaw ni Vitriolo na average na 10% lamang ang dapat itaas sa matrikula ng mga paaralan na binigyan nila ng permiso.
- Latest
- Trending