PNoy ipinagtanggol ni Alcala sa Hog Raisers isyu

MANILA, Philippines - Ipinagtanggol ni Agriculture Sec. Proceso Alcala si Pangulong Benigno Aquino III sa umano’y hindi pagdalo sa Hog Raisers Summit na ginanap sa Mandaue City, Cebu noong nakaraang linggo.

Ayon kay Sec. Alcala, siya ang inatasan ng Pa­ngulo na makipagpulong sa mga ito para masolus­yunan ang mga iniindang problema.

Sa katunayan, patuloy ang negosasyon ng Department of Agrilculture (DA) sa pag-export ng frozen pork sa Malaysia, Middle East, Japan at frozen na manok sa South Korea.

Kaugnay nito, sa mga susunod na linggo ay pupulungin ng kalihim ang mga kinatawan ng hog at poultry raisers industry kasunod na rin ng talamak na smuggling ng karneng baboy kung saan daan-daang mga botcha na ang nakumpiska ng mga awtoridad.

Dumalo si Pangulong Aquino sa 17th World Electronics Forum sa Shangri-La Mactan noong Biyernes pero hindi nakadalo sa Hog Raisers Summit dahil may importanteng pulong ito sa Maynila kaya si Sec. Alcala ang ipinadala nito.

Show comments