PNoy tagapagsalita sa PPI confab
MANILA, Philippines - Panauhing tagapagsalita si Presidente Benigno Simeon Aquino III sa idaraos na 16th National Press Forum on Media Accountability mula Abril 23 at 24 sa Traders Hotel, Manila. Sa unang pagkakataon, iko-cover ang okasyon via video live streaming sa internet.
Ito ay magiging posible sa tulong ng Information Capital Technology Ventures (ICTV) na nag-alok ng kanyang serbisyo at technical expertise nang libre.
Ang okasyon ay itinuturing na pinakaaabangang taunang pagpupulong ng mga publishers at editors ng may 72-miyembrong lathalain. Maaaring mapanood ang okasyon sa internet sa www.ppinpf.nowplpanet. Ang ekslusibong broadcast partner ng PPI sa idaraos na forum ay ang TV5 na magsasahimpapawid sa pagtitipon. Puwede ring makuha ang mga talumpati sa okasyon sa pamamagitan ng website ng PPI na www.philpressinstitute.com.
Si Ombudsman Conchita Carpio-Morales ay panauhing pandangal sa Civic Journalism Community Press Awards. Siya ang maggagawad ng parangal sa outstanding community newspapers for excellence sa iba-ibang kategorya.
Ipinagdiriwang ng PPI ang 48th founding year at ang ika-25th year mula nang ito’y muling buhayin noong 1987.
- Latest
- Trending