^

Bansa

Gunship boat ng China 'di tatapatan ng Pinas

- Ni Rudy Andal -

LAPU-LAPU CITY, CEBU, Philippines  - Hindi tatapatan ng Pilipinas ang ipinadalang gunship boat ng China sa Scarborough Shoal (Panatag Shoal) kundi umaasa silang mareresolba pa rin ito sa mapayapa at diplomatikong pamamaraan.

Sinabi ni Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang, bagama’t maliit na bansa lamang ang Pilipinas sa China ay hindi naman natin puwedeng ‘i-give up’ basta-basta ang alam natin ay ating pag-aari lalo’t national pride na ang nakataya dito.

Ipinauubaya na ng Malacañang sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ang mga posibleng tactical decision kaugnay sa Panatag Shoal issue.

Nilinaw din ng taga­pagsalita ng Palasyo na wala pa itong plano na lumapit sa ASEAN upang hingin ang kanilang suporta kaugnay ng problema sa Scarborough.

Magugunita na tu­mang­gi ang China na lutasin ang isyu sa United Nation International Tribunal on the Law of the Seas (ITLOS).

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

IPINAUUBAYA

LAW OF THE SEAS

PANATAG SHOAL

PILIPINAS

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS GROUP SEC

RICKY CARANDANG

SCARBOROUGH SHOAL

UNITED NATION INTERNATIONAL TRIBUNAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with