^

Bansa

Labor Day protest kasado na

- NiAngie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Kasado na ang isasagawang demonstrasyon ng iba’t ibang militanteng grupo ng mga manggagawa para sa Labor Day sa Mayo 1.

Ang Labor day protest ay tinagurian ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at mga kaalyadong grupo bilang araw ng paniningil at paglaban para kondenahin ang kahinaan ni Pangulong Noynoy Aquino na tuparin ang mga pangako nito kontra kahirapan at kagutuman sa bansa.

Mula kahapon hanggang sa Mayo 1 ay na­kalatag na ang mga lugar na pagdarausan ng protesta ng mga manggagawa kabilang sa gusali ng Department of Labor and Employment, Wage Board, Pandacan oil depot, tanggapan ng mga kumpanya ng la­ngis, Malacañang at US Embassy.

Sa Liwasang Bonifacio naman idaraos ng KMU at iba pang mi­litanteng grupo ang malawakang pagkilos sa unang araw ng Mayo.

Tampok sa kanilang pagkilos ang kahili­ngang isabatas ang 125 legis­lated wage hike bill, pagbasura sa contractualization, bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo at pagpapalayas sa mga sundalong Kano sa bansa.

vuukle comment

ANG LABOR

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

KANO

KASADO

KILUSANG MAYO UNO

LABOR DAY

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SA LIWASANG BONIFACIO

WAGE BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with