MANILA, Philippines - Panibagong rolbak sa presyo ng petrolyo ang maaaring asahan sa darating na linggo.
Sinabi ni Department of Energy (DOE) Director Zenaida Monsada na maaring nasa P.50 sentimos kada litro ang ibaba ng presyo ng petrolyo base sa kanilang komputasyon sa inangkat na suplay.
Patuloy umano ang pagbaba ng halaga ng krudo sa internasyunal na merkado makaraan na buksan na ng bansang Iran ang pag-uusap ukol sa “oil embargo” na ipinataw sa kanila ng mga bansang Kanluran.
Nitong Abril 15, nagrolbak ang mga kumpanya ng langis ng P1 bawat litro ng gasolina at P.90 sentimos sa diesel ngunit nananatili na nasa P57.70 hanggang P60 kada litro pa rin ang presyuhan ng gasolina depende sa puwesto ng mga istasyon ng gas.