Chiz tatakbong independent
MANILA, Philippines - Plano umano ni Senator Francis “Chiz” Escudero na manatiling independent o walang inaanibang partido pagtakbo nitong muli bilang senador sa 2013.
Ayon kay Escudero, wala siyang balak na sumali sa kahit na anong partido pulitikal kahit pa nagbuo na ng koalisyon si Vice President Jejomar Binay at dating Pangulong Joseph Estrada na kapwa malapit sa kaniya.
“I plan to run as an independent. I’ve said that before and I’m reiterating it again. I do not plan to join any political party,” sabi ni Escudero
Pero hindi naman umano niya tuluyang isinasara ang kaniyang pintuan at posibleng maging parte rin siya ng isang koalisyon kapag malapit na ang halalan.
Hanggang ngayon umano ay hindi pa nakakausap ni Escudero si Binay tungkol sa plano nito sa 2013 elections.
Matatandaan na bagaman at sinuportahan ni Escudero si Aquino noong nakaraang presidential elections hindi naman nito ibinigay ang suporta sa kumandidatong bise presidente nito na si dating Senator Mar Roxas at sa halip ay ikinampanya si Binay.
- Latest
- Trending