Tambay na kabataan dadami
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkaalarma ang mga grupo ng kabataan sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga kabataang tambay o walang trabaho.
Sinabi ni Vencer Crisostomo, secretary general ng grupong Kabataan, base sa pag-aaral ng Ibon Foundation ay 50 percent ng 4.5 milyong Pinoy na walang trabaho ay pawang mga kabataan na may edad 15 hanggang 24 anyos.
Apat naman sa 10 kabataang walang trabaho ay degree holder o nagtapos ng college.
Binigyang diin ni Crisostomo na malamang na dumami pa ang bilang ng mga tambay ngayon lalupa’t pumayag ang Commission on Higher Education (CHED) na maitaas ang matrikula sa maraming paaralan sa bansa.
Dahil anya sa mahal ang matrikula, malamang umanong ito ang maging ugat ng pagdami pa ng bilang ng mga kabataang hindi makakatapos sa college at mas may maliit na oportunidad na makapagtrabaho.
- Latest
- Trending