Kung Nat'l artist si Nora, Pa'no naman si Vilma?

MANILA, Philippines - “Paano naman si Vilma kung gagawing National Artist si Nora”?

Ito ang katanungan ni House Deputy Speaker Lorenzo “Erin” Tañada III  sa planong gawing national artist si Nora Aunor o Ma. Leonora Teresa Cabaltera Aunor sa tunay na buhay.

Ayon kay Tañada, hindi naman nagkakalayo ang kalidad ng pagiging artista nina Nora at Vilma dahil parehong nanalo ang mga ito ng ibat-ibang award dahil sa galing nila sa pag arte.

Bukod dito ay mayroon din naman umanong naging kontribusyon ang dalawa sa entertainment industry ng bansa.

Nauna nang naghain si Bacolod Rep. Anthony Golez ng House Resolution 2317 upang himukin ang Cultural Center of the Philippines at National Commission for Culture and The Arts na irekomenda sa Malacañang na gawing national artist si Nora.

Samantala, sinabi ni Presidential Communications Sec. Ricky Carandang na wala pang nakakarating sa Malacañang na pormal na kahilingan upang kilalaninn bilang national artist si Ms. Aunor.

Show comments